Umano’y drug lord sa Cagayan de Oro, tinawag na fake news ng PDEA

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi galing kay Director General Moro Virgilio Lazo ang kumakalat na pahayag patungkol sa mga umano’y drug lord sa Cagayan de Oro.

Nakasaad sa nasabing pahayag na matagal na umanong may lead kung sino ang mga drug lord sa Cagayan de Oro.

Sa katunayan umano, ito ay lumabas na sa peace and order Facebook page.


Ayon sa PDEA, ito ay ‘fake news’ at walang ganitong pahayag ang Director General.

Mariin ding kinondena ng PDEA ang pagpapakalat ng maling impormasyon at hinikayat ang publiko na maging mapanuri sa mga balitang kanilang nakikita at naririnig lalo na sa social media.

Inaasahan ng PDEA na may mga lalabas pang mga paratang ng pagkakasangkot sa iligal na droga laban sa mga magkakalabang politiko sa papalapit na midterm elections.

Facebook Comments