Umano’y drug queen ng Maynila, nasa Amerika na – NCRPO

Manila, Philippines – Nasa bansang Amerika na ang tinaguriang drug queen na si chairman Guia Gomez-Castro ng Sampaloc,Maynila.

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, lumalabas sa kanilang intelligence report na nagpunta muna ng taiwan si Castro bago tumungo ng Amerika.

Sinabi pa ni Eleazar na kasama ng umano’y drug queen ang pamilya nito pero hindi pa mabatid kung ilan sila.


Bukod dito, nakipag-ugnayan na din ang NCRPO sa National Capital Region para malaman ang financial status ni Castro kung saan iniimbestigahan na din ang ilang kaanak nito na tumulong para makalabas siya ng bansa.

Matatandaan na si Castro ang itinuturong kasabwat ng mga tiwaling pulis na tinaguriang ninja cops at siya umano ang binabagsakan ng mga nire-recycle na iligal na droga na nakukuha sa mga operasyon.

Facebook Comments