Umano’y Gentlemen’s Agreement sa China, isang malaking pagkakamali

Kinatigan ni Liberal Party President at Albay First District Representative Edcel Lagman ang pagka-alarma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa umano’y Gentlemen’s Agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa China kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Diin ni Lagman, hindi dapat makipagkasundo ang Pilipinas sa China na talamak sa paghahasik ng tensyon sa West Philippine Sea.

Sang-ayon si Lagman na ang palihim na pakikipagkasundo ni dating Pangulong Duterte sa China ay isang nakapalaking pagkakamali.


Ipinunto ni Lagman na inilagay nito sa kompromiso ang kasarinlan ng Pilipinas kaya hindi ito dapat ipatupad o magkaroon ng bisa.

Facebook Comments