Umano’y hacking sa datos ukol sa mga botante, bubusisiin sa isang executive session ng Senado

Inimbitahan ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation sa isang executive session ang mga opisyal ng Smartmatic at Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa chairperson ng komite na si Senator Imee Marcos, ito ay para pagpaliwanagin sila sa umano’y hacking o pagnanakaw ng impormasyon ukol sa mga botante na hawak ng Smartmatic.

Sa naunang pagdinig ng komite ay sinabi ng Department of information and Communications Technology at ng National Privacy Commission na hindi nila nakitaan ng ebidensya o indikasyon na na-hack ang COMELEC.


Ang nakitaan umano ng indikasyon o posibilidad ng hacking ay ang Smartmatic.

Bukod sa isyu ng hacking ay binanggit ni Marcos na kanila ring uungkatin ang pagbabawal sa mga observer sa pag-iimprenta ng mga balota at ng configuration ng SD cards ng vote counting machines.

Facebook Comments