Pinabulaanan ng lokal na pamahalaan ng Alcala ang kumakalat sa social media na umano’y hindi pagbibigay ng impormasyon ng LGU sa naganap na housing project awarding sa bayan.
Ayon sa post na na share sa isang page, hindi raw umano ibinalita ang naturang programa dahil kasama umano ang ilang councilor sa naturang kaganapan.
Nilinaw ng LGU na pekeng balita umano ang kumakalat na ito at inilapag ang facebook post sa opisyal na FB page ng munisipalidad na ito ay ipinagbigay-alam at ipinost kasabay pa ng isang selebrasyon sa bayan noong Feb. 13, 2025.
Hinimok ang mga residente na maging mapanuri at alamin umano ang mga sources at ebidensya upang hindi ito magdulot ng hindi pagkakaunawaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments