Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Department of Health (DOH) ukol sa naglipanang mga impormasyon online kaugnay sa umano’y pagdeklara sa Tsina ng state of emergency. Ayon sa kumakalat na impormasyon, bunsod umano ito ng tumataas na kaso ng human metapneumovirus o HMPV.’
Mariing ito pinabulaanan ng DOH at sinabing walang kumpirmasyon ang naturang isyu mula mismo sa bansa maging sa World Health Organization o WHO. Sa kaugnay na balita, nagpaalala naman ang awtoridad sa lalawigan ng Pangasinan ukol sa pagsusuot ng face mask at pagpapalakas ng resistensya lalo ngayong dagsa ng maraming tao ang mga pampublikong lugar.’
Samantala, nauna nang pinaalalahanan ang mga Pangasinenses ng Pangasinan Provincial Health Office ukol sa bantang pwedeng maidulot ng influenza-like illnesses dahil na rin sa lagay ng panahon na nararanasan ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments