Umano’y iregularidad sa panahon ng pamumuno ni VP Sara sa DepEd, lumutang sa pagdinig ng Kamara

Humarap sa ikalawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability si dating Education Undersecretary Gloria Jumamil Mercado.

Kaniyang ibinunyag ang umano’y iregularidad sa bidding process kaugnay sa computerization program ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

Sabi ni Mercado, pinilit syang magbitiw sa pwesto noong October 2023 dahil tinutulan niya ang nais ni dating Education Assistant Secretary Reynold Munsayac na mag-usap usap na lang ang mga bidders para sa programa para hindi masayang ang 2022 budget.


Bukod dito ay isiniwalat din ni Mercado na binigyan siya ni Assistant Secretary Sunshine Fajarda ng siyam na mga envelop na naglalaman ng tig-50,000 pesos galing umano kay VP Sara sa loob ng siyam na buwan o mula February 2023 hanggang September 2023.

Facebook Comments