MANILA – Muling ipinagpatuloy ngayong araw ang pagdinig ng Senado kaugnay sa Extra Judicial killings at Anti-drug campaign ng Duterte Administration.Sa imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Leila De Lima, humarap ang umano’y isa sa mga miyembro ng sinasabing Davao Death Squad na si Edgar Matubato upang maging testigo at idiniin si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang utak sa mga patayan noong siya pa ay Alkalde ng Davao City.Ayon kay Matubato, isa siya sa pitong miyembro ng Lambada boys na binuo ni Pangulong Duterte noong siya pa ay Mayor ng Davao noong 1988 kung saan taong 1993 ay sumali na rin sa kanilang grupo ang mga pulis at mga rebel returnees.Ibinulgar ni Matubato na ang trabaho ng kanilang grupo ay ang patayin ang mga rapist, snatcher at pusher sa lungsod ng Davao.Ipinag-utos aniya ni “Charlie Mike” ang code name ni Pangulong Duterte na bombahin ang mosque ng mga muslim, upang ganti sa pambobomba ng cathedral ng Davao City noong 1993.Isiniwalat din ni Matubato na maging ang anak ng pangulo na si Davao Vice Mayor Paolo Duterte ay nag-utos din ipapatay ang ilang tao, kabilang na ang negosyanteng si Richard King dahil sa babae.Idinawit din si PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na siyang sangkot sa kidnapping ng isang Sali Makdum, na isang foreign terrorist.Inamin din nito na plinano rin nila noong ambushin si De Lima na noon ay dating Chairman ng Commission on Human Rights.Mula 1988 hanggang 2013, Sinabi ni Matubato na nasa mahigit isang libo na ang kanilang napatay sa Davao City kung saan 50 rito ang personal niyang napatay.
Umano’Y Isa Sa Mga Miyembro Ng Sinasabing Davao Death Squad, Humarap Sa Senado Kaugnay Sa Extra Judicial Killings, Pangu
Facebook Comments