Umano’y kakulangan ng asukal sa mga palengke, hindi masyadong nararamdaman sa Mindanao

Hindi masyadong ramdam sa Mindanao ang epekto ng sinasabing kakulangan ng suplay ng asukal sa domestic use.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Secretary Maria Belen Acosta, Chairperson ng Mindanao Development Authority na wala silang problema sa domestic use ng asukal.

Aniya, sapat ang suplay sa mga palengke na nabibili ng kanilang mga residente.


Tanging sa mga manufacturer aniya ng softdrinks ang nakikita nilang labis na naapektuhan nito.

Sa ngayon, ayon kay Acosta ay tinutulungan nila ang mga sugar planter sa Mindanao para hindi mawalan ng kita at paigtingin pa ang mga paraan na kanilang pwedeng gamitin para dumami pa ang kanilang ani.

Facebook Comments