Wednesday, January 21, 2026

Umano’y koneksyon ng negosyanteng si Atong Ang sa kongresista at ilang pulis, sinisilip na rin ng NBI matapos ang pagsuyod sa ilang farm at property ng gaming tycoon

Sinisilip na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga lumalabas na impormasyon na umano’y ugnayan ng Top 1 Most Wanted Person ng bansa na si Charlie “Atong” Ang sa kongresista at ilang opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay NBI Spokesperson Palmer Mallari, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) kung mayroon bang mga opisyal ng pamahalaan ang pomoprotekta sa gaming tycoon.

May lumalabas kasi na impormasyon na ang isa sa mga nahalughog ng mga awtoridad na property ay pag-aari ng isang kongresista.

Ani Mallari, ipinoproseso na nila ang mga impormasyon na kanilang natanggap at bine-verify ang mga ito dahil hindi naman sila basta basta naniniwala sa mga natatanggap nilang impormasyon at kailangan ng malalimang imbestigasyon.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nakikipag-ugnayan na sila sa Directorate for Investigation and Detective Management para makuha ang mga umano’y opisyal na nagpoprotekta kay Ang kasunod ng pag-aaral sa posibleng administrative case at criminal sanctions na maaring maisampa sa kanilang may mapatunayan.

Facebook Comments