Umano’y korapsyon sa LTFRB, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Manila Rep. Bienvenido Abante sa House Committee on Good Government and Public Accountability ang umano’y korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Inihirit ni Abante ang imbestigasyon kahit binawi na ng “whistleblower” na si Jeff Tumbado ang kanyang alegasyon ng katiwalian laban kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III.

Sa inihaing House Resolution 1381 ay iginiit ni Abante na kailangang masilip ng Kamara ang umano’y mga iregularidad sa LTFRB, upang maisulong ang angkop na regulasyon sa land-based public transportation.


Layunin din ng hakbang ni Abante na mabigyang proteksyon ang kapakanan at interes ng mga Pilipino.

Kaugnay nito ay hiniling ni Abante na pansamantalang suspendihin ang Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program habang gumugulong ang imbestigasyon.

Facebook Comments