Umano’y korapsyon sa solid waste management, dapat ding sisihin sa malawakang pagbaha bukod sa mga palpak na flood control projects

Iginiit ni Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice na hindi lang palpak na flood control projects ang dapat sisihin sa malawakang pagbaha lalo na sa National Capital Region na nasa 14 million ang populasyon.

Sa briefing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa House Committee on Public Accounts ay binigyang diin ni Erice na may kinalaman din sa pagbaha ang sablay na waste management.

Diin ni Erice ang korapsyon sa solid waste management system sa Metro Manila ay mas matindi pa sa anumalya sa flood control projects.

Ayon kay Erice, nagkakaroon umano ng sabwatan sa pagitan ng mga lokal na opisyal at mga contraktor pero nasa 30-40 percent lang ng tinatayang nasa 10,000 tonelada ng basura kada araw ang nakokolekta.

Paliwanag ni Erice ang mga basurang hindi nakokolekta ay bumabara sa mga daanan ng tubig, sa mga kanal at mga creek na siyang nagdudulot ng pagbaha.

Facebook Comments