
Suportado ng ilang mga grupo ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mariing pagtanggi nito patungkol sa umuugong na kudeta at distabilisasyon laban sa administrasyong Marcos.
Kung saan ayon sa AFP na ang kumakalat na balita tungkol sa kudeta ay pawang haka-haka lamang.
Ayon kay Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na malinaw ang naging pahayag ng AFP dahil tapat ito sa kanilang sinumpaan sa ilalim ng konstitusyon, sa kanilang Commander-in-Chief, at sa taumbayan.
Dagdag pa rito, sinang-ayunan din ni Goitia ang pahayag ng AFP at tinatawag ang kumakalat na impormasyon na klasikong taktika na layong hatiin ang bansa.
Sa huli ay pinahalagahan ni Goitia ang naging sagot ng AFP at ang ipinakita nitong propesiyonalismo.









