Nasa kustodiya na ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang umanoy lider sa pananambang at tangkang pagpatay kay dating Pangasinan Governor Amado T.Espino Jr.
Sa inilibas na pahayag ng Pangasinan PNP, sinabi ni Pangasinan PNP Provincial Director Col. Jeff Fanged, na nahuli ito pasado alauna ng madaling araw kung saan ay siya din ang number 1 Most Wanted Person sa buong Pangasinan at may reward money na ito mula sa DILG.
Kinilala ang akusado na si Arnulfo Cerezo Alipio na tinaguriang Most Notorious Criminal sa lalawigan ng Pangasinan.
Kilala itong kabilang sa mga Gun for Hire activities hindi lamang sa Pangasinan kundi maging sa iba’t ibang mga probinsiya pa.
May reward money ito na nagkakahalaga ng ₱355,000.00 at nahaharap sa patong patong na kaso kabilang na ang 2 counts of Murder, tatlong Attempted Murder, at isang Frustrated Murder.
Matatandaan na naganap ang pananambang kay Espino noong September 11, 2019 sa bahagi ng Barangay Magtaking, San Carlos City ng paulanan ng bala ang convoy ng dating Gobernador ng Pangasinan na ikinamatay ng dalawang kasamahan nito. |ifmnews
Facebook Comments