
Kailangang isumite muna sa Department of Justice (DOJ) bilang pormal na ebidensiya ang mga akusasyon na nagkaroon ng insertions ang mga kongresista.
Ito ang sinabi ni Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng DOJ sa alegasyon na maraming mga kongresista ang nagkaroon umano ng insertions sa pambansang budget.
Ayon kay Martinez, kailangang isumite ang listahan pero dapat may kasamang testimonya, nakalagay din ang laman ng listahan at dapat panumpaan o naka-notaryo.
Kailangan din aniyang kasama ito sa iba pang mga ebidensiya dahil hindi titindig kung ito lamang ang pagbabatayan.
Sinabi pa ni Martinez na handa silang makipagtulungan sakaling may indibidwal na lulutang para magsabi rin ng nalalaman.
Tiniyak naman ng Justice Department na susuriin nilang mabuti at beberipikahin ang mga isusumiteng ebidensiya.









