Umano’y maling paglalarawan sa kasaysayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Sinulog festival, pinuna ng isang mambabatas

Pinuri ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang galing at talento ng Cebu Technological University na nagtanghal sa pagdiriwang ng Sinulog Festival.

Gayunpaman, ikinalungkot ni Hataman ang umano’y maling paglalahad nito sa kasaysayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Partikular na pinuna ni Hataman ang pagsasayaw habang hawak ang imahe o rebulto na simbolo ng ibang pananampalataya.


Diin ni Hataman, walang kahit na anong opisyal na historical account na ang mga mamamayan ng Bangsamoro ay napasailalim sa colonial rule ng mga Kastila.

Ikinalugod ni Hataman ang presentasyon sa pagdiriwang ng iba’t ibang kultura sa bawat rehiyon sa ating bansa pero kaniyang iginiit na dapat tiniyak na tama ang mga ito lalo na kung may kaugnayan sa mga rehiyon na may natatanging kasaysayaan tulad ng Bangsamoro.

Facebook Comments