Umano’y may nag-walkout na ilang matataas na opisyal sa kalagitnaan ng command conference, pinabulaanan ng AFP

Pinasinungalingan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumalat na impormasyon na may nag-walkout umano na ilang matataas na opisyal sa kalagitnaan ng isang command conference.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippines Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang impormasyon ay 50% fabrication, 50% imagination at 100% false.

Pinapairal aniya ng kanilang mga senior officials at ng kanilang organisasyon ang pagiging professional at nananatiling intact ang chain of command.


Sinabi ni Trinidad, posibleng “maritess warfare” ang pagpapakalat ng ganitong uri ng impormasyon.

Dahil dito, nanawagan si Trinidad sa publiko na maging maingat at suriing mabuti ang mga nasasagap na impormasyon upang hindi mabiktima ng fake news.

Facebook Comments