Umano’y mga biktima ng systematic abuse ni Quiboloy, dumulog sa PNP

Matapang na humarap sa Philippine National Police (PNP) ang ilang biktima nang pang-aabuso ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ang mga ito ay tinatawag na “pastorals” na biktima ng exploitation and manipulation.

Sinabi ni Marbil na ang mga ito ay nagbigay ng crucial information hinggil sa sinapit nilang systematic abuse kay Quiboloy.


Ilan aniya sa mga ito ay bahagi ng inner circle na isang piling grupo ng mga kabataang babae kung saan ang pinakabata ay edad 12 taong gulang.

Ang mga ito aniya nakaranas ng sexual abuse o pang aabuso mula kay Quiboloy.

Kasalukuyan nang bineberipika ng Pambansang Pulisya ang mga impormasyong ibinigay ng mga biktima para mapagtibay ang mga kasong isasampa pa laban kay Quiboloy.

Sa huli, binigyan-diin ni Marbil na walang sinuman, kahit na anong estado, ang nakatataas sa batas.

Facebook Comments