UMANO’Y MIYEMBRO NG CRIMINAL GANG, NAHULIAN NG GRANADA SA TAHANAN NITO SA BAYAN NG CALASIAO

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang sinasabing miyembro ng Criminal Gang na nag ooperate sa 3rd at 4th district ng Pangasinan matapos makakuha ng isang granada sa tahanan nito sa bayan ng Calasiao.
Ang suspek ay nakilalang si Ferdinand Aquino, residente ng San Miguel sa nasabing bayan.
Inimplementa ang search warrant sa tahanan nito pasado alas singko ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang granada.

Maliban sa pagiging miyembro ng Criminal Gang ang nasabing suspek ay sinasabing kasama din sa Gun for Hire activities ng nasabing grupo. |ifmnews
Facebook Comments