UMANOY MIYEMBRO NG GUN FOR HIRE AT ROBBERY HOLD UP GANG SA 5TH AT 6TH DISTRICT NG PANGASINAN, ARESTADO NA

Arestado na ang sinasabing miyembro ng Gun for Hire at Robbery Hold up Gang na nambibiktima sa ikalima at ikaanim na distrito ng Pangasinan at kalapit na lalawigan.
Ang akusado ay nakilalang si Romulo Acosta , Isang miyembro ng Siador Group na Target Listed Criminal Gang.
Naaresto ito sa bahagi ng Itogon sa lalawigan ng Benguet sa kasong pagpatay na walang piyansa.

Si Acosta din ay ang number 1 Most Wanted Person sa buong lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments