Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng isang bente kwatro anyos na binata matapos itong mahuli sa akto na nagpuputol ng telephone wires at mahulian pa ng baril at shabu sa bayan ng Manaoag.
Nakilala ang suspek na si Noel Ponto tubong lalawigan ng Leyte.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na pasado alas dose ng hating Gabi sa Barangay Zamora ng mahuli sa akto ng mga nagpapatrolyang mga kapulisan ang suspek na nagpuputol ng telephone wires.
Dito na agad na inaresto ito kung saan ay nakuhanan pa ito ng isang improvised Shotgun at isang bala nito, isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong piso, dalawang metrong copper wire mula sa telephone companies at mga gamit pamputol ng wire.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito na tumakas matapos matunugan ang padating na mga Pulis. |ifmnews
Facebook Comments