Umano’y nangyaring hazing sa Cebu, iniimbestigahan na ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na masusing iniimbestigahan ng Police Regional Office (PRO) 7 ang umano’y nangyaring hazing sa Cebu City noong December 19, 2022.

Ayon sa PNP, kumakalap na ang mga imbestigador ng testimomya ng mga saksi sa nasabing insidente.

Nakikipagtulungan naman anila ang mga testigo at handang magbigay ng kanilang sinumpaang salaysay upang mapanagot ang mga nasa likod ng isa na namang hazing.


Kasunod nito, nangako ang PNP PRO 7 na papanagutin ang mga may sala at ibibigay ang hustisya sa biktima at sa naulilang pamilya nito.

Matatandaang noong December 2022, nasawi ang 20-year-old University of Cebu (UC) Marine Engineering student na si Ronnel Baguio matapos sumalang sa initiation rites ng kanyang mga ka-fraternity.

Facebook Comments