Umano’y overpriced na farm-to-market roads, sisilipin na rin ng ICI

Nakahanda ring silipin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang umano’y overpriced na farm-to-market roads.

Ayon kay ICI Special Adviser Rodolfo Azurin, ito ay oras na maayos na nila ang mga proseso sa imbestigasyon sa anomalya sa mga proyekto sa flood control.

Ani Azurin, tatanggapin pa rin ng komisyon ang anumang report, kabilang ang sinasabing overpriced na farm-to-market roads, at iko-compile muna nila ang mga ito.

Mula ito sa project site validation, technical inspection at audit of documentation, case buildup, hanggang drafting at filing ng mga kaso sa Office of the Ombudsman.

Sisilipin aniya nila ang reports pagkatapos ng imbestigasyon sa multi-billion peso flood control scandal na prayoridad nila ngayon.

Matatandaang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na irerekomenda niya sa ICI na imbestigahan din ang farm-to-market road projects noong 2023 at 2024 na overpriced umano ng P10.3 bilyon.

Facebook Comments