Umano’y P24.6 milyong unliquidated fund transfer ng OCD matagal nang liquidated ayon sa ahensya

83

Nilinaw ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga report kaugnay sa 24.6 na milyong pisong unliquidated fund transfer ng ahensya na ito ay fully liquidated na.

Paliwanag ng OCD, ang pinagbatayan ng mga naturang ulat ay ang Commission on Audit (COA), Audit Observation Memorandum (AOM) na may petsang March 8, 2021.

Naisumite na raw ng ahensya sa COA ang mga kulang na dokumento para ma-liquidate ang nasabing halaga noon pang March 22, 2021.


Ang naturang pondo ay inilipat sa Leyte Metropolitan Water District (LMWD) noong June 2019.

Pero dahil sa tagal ng procurement process at dahil na rin sa pandemya, nahuli ang LMWD sa pagsumite sa OCD ng Notice of Award, contract documents, report of checks issued, at project accomplishment report, na kailangan naman ng OCD na isama sa kanilang liquidation report sa COA.

Siniguro naman ng OCD ang kanilang buong kooperasyon sa COA para sa maayos na paggastos ng pondo ng taumbayan.



Facebook Comments