Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, labis na nakakabahala at malinaw na isang seryosong bansa sa seguridad ng bansa ang cyberattack sa mga website ng gobyerno na gawa umano ng mga Chinese hacker.
Sinabi ito ni Romualdez, makaraang ihayag ni Department of Information and Communications Technology o DICT Undersecretary for connectivity, cybersecurity and upskilling Jeffrey Ian Dy, na napigilan ng mga cybersecurity expert ang pag-hack sa mga website at email address ng gobyerno ng mga cybercriminals mula sa China.
Kabilang umano sa mga tinangkang atakehin ang mga website ng cabinet secrertary, Philippine Coast Guard (PCG), DICT, Kamara, Department of Justice (DOJ), National Coast Watch System at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ang website ay tinangka umanong pabagsakin.
Bunsod nito ay iginiit ni Romualdez sa DICT, na agarang magpatawag ng briefing kaugnay sa nasabing cyberattack sa mga website ng gobyerno ng umano’y mga Chinese hacker.
Sabi ni Romualdez, ang briefing ay maaaring gawin sa Kamara sa lalong madaling panahon.