Hindi totoo ang mga umanoy pahayag na nag-iba nang patakaran ang Pilipinas para palayo sa China.
Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ambush interview kagabi sa isang event sa Manila Hotel.
Ayon sa pangulo may differences o pagkakaiba sa paniniwala ang Pilipinas at China pero patuloy raw nilang pinagyayabong ang pagkakaibigan na nagsimula pa noong 1974.
Ang bagay na ito ayon sa pangulo ay patuloy nilang tinutugunan para masiguro ang kapayapaan at ligtas na pagdaan sa South China sea.
Itinuturing aniya ng Pilipinas bilang partner ang China para sa pagsisikap na mapanatili ang buhay at masiglang kalakalan na mahalaga aniya sa bahaging ito ng mundo.
Facebook Comments