Umano’y pagbibitiw ng ilang opisyap ng DND, itinanggi

Naging maayos ang pagpapalit ng liderato ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang iginiit ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., matapos nilang pangunahan ni AFP Chief-of-Staff General Andres Centino ang DND-AFP Joint Command Conference sa Camp Aguinaldo, Quezon kahapon.

Ayon kay Sec. Galvez, walang katotohanan ang ulat na may mga nagbitiw na opisyal ng DND kasabay ng courtesy resignation ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr.


Itinanggi rin nito ang umano’y destabilization plot sa AFP bagama’t may mga kailangan silang resolbahin sa promosyon ng mga opisyal ng militar.

Kasunod nito, pinasalamatan ni Galvez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtitiwala sa kaniya na pamunuan ang DND.

Si Galvez ay dating chief of staff ng AFP sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at myembro ng Philippine Military Academy “Sandiwa” class of 1985.

Facebook Comments