Umano’y pagbibitiw ni Defense Secretary Gibo Teodoro, tinawanan lamang ni PBBM

Mariing itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lumabas na balitang nagbitiw na si Defense Secretary Gibo Teodoro sa kaniyang gabinete.

Sa ambush interview sa Navotas City, iginiit ni Pangulong Marcos na fake news daw ito at desperado na aniya ang nag-iimbento nito para lamang gumawa ng gulo.

Sa katunayan aniya ay tinawagan niya si Sec. Teodoro kaninang umaga, at tinanong kung magbibitiw na ba ito sa pwesto.


Nagtanong naman daw pabalik ang kalihim kung paaalisin na siya ng Pangulo, at sumagot ang Pangulo na wala naman daw silang problema para alisin ito sa pwesto.

Panawagan naman ng Pangulo sa publiko na huwag basta maniwala sa mga chismis lalo’t kung walang pruweba.

Kung may pagbabago man aniya sa gabinete, ay sila mismo ang mag-aanunsyo nito at hindi ang kung sinu-sino lamang.

Facebook Comments