
Mariing itinanggi ng Malacañang ang kumakalat na balita na nagbitiw umano sa puwesto si Finance Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang katotohanan ang mga espekulasyong kumalas na si Recto sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Itinalaga si Recto bilang kalihim ng Department of Finance noong Enero ng nakaraang taon.
Isa siya sa mga pangunahing nagtulak ng tax reform agenda at nagpatatag sa kita ng gobyerno mula sa negosyo.
Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang Department of Finance hinggil sa isyu.
Facebook Comments









