Umano’y pagkakasangkot ng mga lokal na opisyal ng Davao del Norte sa ilegal na POGO, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Hiniling ni Davao del Norte 2nd District Rep. Alan ‘Aldu’ Dujali sa Kamara na imbestigahan ang umano’y pagkakasangkot ng mga lokal na opisyal ng Davao del Norte sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lalawigan.

Kasunod ito ng pagsalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Region XI sa isang ilegal na POGO sa Barangay Manay, Panabo City kung saan naaresto ang 59 na mga dayuhang manggagawa na karamihan ay Chinese.

Ayon kay Dujali, nakatanggap din ng impormasyon ang NBI na may mga tiwaling opisyal ng lalawigan ang nagbibigay proteksyon sa ilegal na POGO.


Diin ni Dujali, ang ikakasang imbestigasyon ng Kamara ay bahagi rin ng polisya ng pamahalaan na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa at maitaguyod ang kapakanan ng taumbayan.

Facebook Comments