Nangakong pag-aaralan ng Department of Energy o DOE ang naranasang isyu ng ilang kabahayan sa ikaanim ng distrito ng Pangasinan na umano’y paglobo sa kani-kanilang bayarin sa kuryente.
Ito ang tiniyak ng pamunuan ng kongresista sa nasabing distrito at inihayag ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang maresolba ang naturang isyu.
Ayon sa ilang mga residente rito, hindi lang umano doble, kundi triple pa sa ilang kabahayan ang itinaas ng kanilang electric bill ng ilang buwan.
Hiling ng ilan sa mga ito na kung maaari sana ay makapagbigay umano ang electric provider ng format ng computation ng konsumo ng bawat household.
Umaasa naman ang mga residente sa mga sakop na lugar ng distrito na matutugunan ang problema nila.
Samantala, pinasuspinde rin ang dapat na ipatupad na massive disconnection upang matutukan ang isyu.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









