
Mariing itinanggi ng Malacañang na may napag-uusapang pagpapalit sa pamumuno ng Department of Tourism (DOT).
Ito ang tugon ng Palasyo sa mga kumakalat na balita na papalitan ni Philippine Sports Commission Chair Patrick Gregorio si DOT Secretary Christina Frasco.
Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang anumang talakayan sa Malacañang kaugnay ng naturang isyu.
Nauna na ring sinabi ng Malacañang na wala nang planong magpatupad ng balasahan sa hanay ng gabinete ng pangulo.
Matatandaang binabatikos si Frasco dahil sa umano’y labis na pagbibida ng kanyang mukha sa mga tourism promotion, sa halip na ituon ang pansin sa mismong mga destinasyon ng bansa.
Facebook Comments










