Pinabulaanan ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan ang kumakalat sa social media na umano’y pagsusugal sa loob umano ng opisina.
Sa ipinadalang litrato na ipinost online, ilang mga poso enforcers ay mayroong hawak na baraha.
Nilinaw ng POSO Dagupan na laro lamang ito at walang anumang involved o gamit na pera.
Umani naman ito ng samo’t-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko habang muling susubukan ng IFM News Team na kunan ng pahayag ang pamunuan ng POSO para sa karagdagang detalye. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









