Umano’y pahayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo kaugnay sa ICC arrest warrant laban kay Sen. Bato Dela Rosa, itinanggi ng SC

Muling nagbabala ang Korte Suprema laban sa panibagong peke at mapanlinlang na pahayag na nagmula umano kay Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ito ay matapos na kumalat ang mga post na may sinabi umano ang Punong Mahistrado kaugnay sa isyu ng arrest warrant ng International Criminal Court laban kay Senator Bato Dela Rosa.

Nakasaad pa dito na may sinabi umano si Gesmundo na hindi na pwedeng maulit ang nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na sa kanilang official website at social media accounts maaaring makita ang mga tama at verified na impormasyon kaugnay sa mga pahayag ng mga mahistrado.

Una nang ibinasura ng SC ang hiling ni Dela Rosa na atasan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ilabas ang umano’y hawak niyang kopya ng ICC warrant.

Facebook Comments