
Pinayuhan ni House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang publiko na maging kalmado, maingat at huwag basta maniwala sa mga espekulasyon at mga hindi beripikadong impormasyon.
Mensahe ito ni Adiong makaraang ibunyag ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na mayroong “records of communications” o palitan ng text messages sa pagitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. At dating Usec Adrian Bersamin ukol sa mga kickbacks mula sa insertions sa national budget at maanumalyang flood control projects.
Ayon kay Adiong, lahat ay may karapatan na maglabas ng alegasyon pero sana ay pormal itong maisumite sa tamang forum at dapat suportao ng authenticated evidence.
Ipinunto ni Adiong na seryoso ang nabanggit na alegasyon laban sa Pangulo kaya kung may ebidensiya ay kailangan itong dumaan sa tamang proseso at dalahin sa kaukulang institusyon.
Nagbabala din si Adiong na ang pagpapakalat sa publiko ng hindi nasuring akusasyon ay maaring magpahina sa mga instusyon at magdulot ng pagkawala ng tiwala dito ng mamamayan.










