Umano’y pambabraso ni Rep. Zaldy Co para mabigyan ng fish import permit ang tatlong kompanya, nabunyag sa budget hearing ng Kamara

Ibinunyag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang ginawang pambabraso umano ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co para mabigyan ng fish import permit ang tatlong kompanya kabilang ang ZC Victory Fishing Corporation.

Isiniwalat ito ni Laurel sa pagbusisi ng House Appropriations Committee sa P176.7 Billion na panukalang budget ng Department of Agriculture (DA) para sa 2026.

Ayon kay Laurel, pinipilit ni Congressman Co na maisyuhan ng permit para makapag-import ng 3,000 containers ng isda ang tatlong kompanya gayong may nakalatag na silang formula na patas at nakabase sa science.

Diin ni Laurel, nanindigan siya na huwag pagbigyan si Rep. Co.

Facebook Comments