Umanoy Panggigipit Ng Amerika Sa Pilipinas, Isinumbong Ni Pangulong Duterte Kay Russian President Vladimir Putin

17

LIMA, PERU – Mainit na tinanggap ni Russian President Vladimir Putin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahan nilang pagkikita sa APEC Summit sa Lima, Peru.Binati pa ni Putin si Pangulong Duterte sa pagkapanalo nito noong eleksyon at pinasalamatan dahil sa aniya’y pagpapabuti ng relasyon ng Russia at Pilipinas sa loob lamang ng maikling panahon.Nagmistulang nagsumbong pa ang Pangulo kay Putin dahil sa panggigipit ng Amerika sa Pilipinas.Ayon kay Pangulong Duterte, ilang beses ng nadamay ang Pilipinas sa mga digmaang sinimulan ng amerika.Sinabi naman ni Duterte kay Putin, gusto nito na maging bahagi ang Pilipinas sa European trade and commerce bagaman wala sa Europe ang Russia.Pormal pang inimbitahan ni Putin si Duterte na pumunta sa Russia.

Facebook Comments