Umano’y panibagong insidente ng tanim bala, pinabulaanan ng PNP-AVSEGROUP

Pinabulaanan ng Philippine National Police- Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang mga kumakalat na ulat sa online na umano’y may isang Amerikano na inaresto at ikinulong ng 48 hours sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ito’y dahil umano sa pagkakaroon ng “rusted bullet”.

Ayon sa PNP-AVSEGROUP, wala umanong naitalang insidente na tumutugma sa naturang alegasyon at sa araw kung kailan ito nangyari.

May kaparehas naman na insidente ang nangyari sa Clark International Airport noong July 10, 2025, kung saan isang Amerikano ang inaresto matapos mahulihan ng mga bala na walang kaukulang dokumento.

Dagdag pa ng ahensya na palagi nilang tinitiyak na ang lahat ng security procedures ay isinasagawa ng malinaw at may paggalang sa lahat ng pasahero.

Samantala, kasalukuyang nakakulong sa Clark International Airport Police Station – Aviation Security Unit 3 ang banyaga kung saan nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 10591.

Facebook Comments