Umano’y paniniktik kay Justice Carpio, hindi na ikinagulat ng ilang senador

Hindi na ikinagulat ni Senate President Tito Sotto III ang ibinunyag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na minamatyagan umano ng China ang mga tawag niya sa telepono at emails.

Paliwanag ni Sotto, ang dalawang malaking telecommunication companies sa bansa ay kapwa gumagamit ng huawei network services na pag-aari ng China.

Ang huawei ay minsan nang nasangkot sa isyu ng umano’y paninitiktik sa ibang bansa.


Sabi naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, tama lang na mapraning si Justice Carpio.

Katwiran ni Lacson, hindi na nakakagulat ang pagmamatyag ng China lalo na sa mga high profile na opisyal ng pamahalaan katulad ni Carpio na aktibo sa pagbatikos sa mga isyung sangkot ang China tulad ng usapin sa West Philippine Sea.

Facebook Comments