Umano’y Pansariling Kabutihan ng mga Pulitiko sa Redistricting ng Isabela, Pinabulaanan ni Congressman “Bentot” Panganiban!

*Cauayan City, Isabela-* Pinabulaanan ni ANAC-IP Partylist Representative Jose “Bentot” Panganiban na hindi lamang sa pansariling kabutihan ng mga pulitiko ang kanilang pagdadagdag sa distrito ng lalawigan ng Isabela.

Aniya, Kung apat na distrito lamang ang Isabela ay apat na bahagi lamang din ang makukuha nitong pondo sa pamahalaan samantalang kung madadagdagan ng dalawang distrito ang Isabela ay mayroon na itong anim na makukuhang bahaging pondo mula sa gobyerno.

Hindi kasi umano sapat ang Internal Revenue Allotment o IRA ng isang bayan para sa mga plano at proyekto nito kaya’t mas mainam na lamang na madagdagan rin ang pondo ng Isabela upang mapadali ang pagsasagawa sa mga proyekto at pag-angat na rin ng ating Lalawigan.


Dagdag pa niya, marami ng probinsya ang nagsusumite ng panukala upang dagdagan ang kanilang distrito subalit mangilan-ngilan lamang sa mga ito ang pumapasa at inaaprubahan.

Maswerte na lamang umano ang ating lalawigan dahil naaprubahan at napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11080 na gawing anim na distrito ang Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments