Umano’y partner ni Michael Yang na si Charlie Tan, tahasang tinukoy ni dating Senador Trillanes na ‘pinaka drug lord’ mag-bayaw na Cong. Pulong Duterte at asawa ni VP Sara, inakusahang protektor

Naniniwala si dating Senador Antonio Trillanes IV na ito ang tamang panahon para isampa ang mga kaso laban sa mga nasa likod ng kalakaran ng iligal na droga sa ilalim ng dating administrasyon.

Sa kaniyang pagpunta sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules ng umaga, sinabi ni Trillanes na ito ang nahanap nilang pagkakataon dahil nakita niyang nawawala na ang umano’y kontrol ng mga Duterte sa hudikatura.

Ayon kay Trillanes, patunay dito ang pagpayag ng korte na makapagpiyansa si dating Senadora Leila de Lima at kalaunan ay pagbasura sa mga kaso laban dito.


Mahirap umano kung mapipilipit pa ng impluwensiya ng dating administrasyon ang batas para pumabor lamang sa kanila.

Kabilang sa sinampahan ng reklamong may kaugnayan sa iligal na droga ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Congressman Paolo Duterte, asawa ni Vice President Sara Duterte na si Mans Carpio, dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, isang Allen Capuyan at Charlie Tan.

Ayon kay Trillanes, si Tan umano ang partner ni Michael Yang na kaibigan ng dating pangulo at iniuugnay naman ngayon sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments