Inilantad ng isang grape farm sa Bauang, La Union ang umano’y modus operandi ng ilang indibidwal na nagpapanggap na tour guide upang makapang-scam at mangligalig ng mga turista.
Base sa post ng Gapuz Grapes Farm online, hindi umano nila empleyado ang ilang indibidwal na nakasuot umano ng pula at asul na t-shirt na nangliligaw ng mga turista sa ibang grape farm kapalit ng komisyon.
Binubuntutan pa umano ng nasa dalawa hanggang apat na motorsiklo ang mga turista upang matiyak na hindi dumiretso sa mga lehitimong grape farm at naglalagak ng illegal na checkpoint habang ginagamit ang pangalan ng kanilang farm.
Naniningil din umano ng entrance, parking at tour guide fee ang mga nagpapanggap na empleyado.
Noong 2018 pa umano umiiral ang naturang modus ngunit wala pa rin solusyon mula sa mga opisina ng gobyerno hanggang sa kasalukuyan.
Dahil dito, hiling na mabuwag at magkaroon ng permanenteng awtoridad sa mga illegal na checkpoint at magsagawa ng imbestigasyon sa mga ‘fixers’ na nag-oorganisa ng scam.
Desido ang may-ari ng grape farm na magsampa ng kaso sa mga mairereport na nagsasagawa ng ng naturang modus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









