Umano’y planong panggugulo sa inagurasyon ng susunod na pangulo, kinumpirma ni PNP OIC Lt. Gen. Danao

Kinumpirma ni Philippine Nationa Police Officer in Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr. na nakatanggap ang PNP ng mga intelligence report na may mga grupong nagpaplanong magsagawa ng lighting rallies at kilos protesta sa iba’t ibang lugar sa araw ng inaugurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30.

Ginawa ni Danao ang pagkumpirma matapos na magsagawa ng pag-iinspeksyon kahapon sa National Museum sa Maynila, kung saan idaraos ang makasaysayang okasyon.

Aniya, 7,000 na mga pulis ang kanilang idi-deploy sa mismong venue para masiguro ang seguridad ni Pres-elect Marcos at ng mga dadalo sa aktibidad.


Siniguro ni Danao na “all systems Go” na ang seguridad na ipatutupad ng PNP sa paligid ng National Museum at sa Metro Manila at handa ang PNP sa anumang magaganap na mass action.

Pakiusap naman ni Lt. Gen. Danao sa mga raliyista na igalang ang nakatakdang inagurasyon ng pangulo.

Giit niya pa, pinapayagan naman nila na magkilos protesta pero huwag lamang malapit sa venue.

Facebook Comments