Umano’y planong panibagong suicide bombing ng dalawang egyptian sa Mindanao hindi namomonitor ng AFP

Wala pang natatangap na impormasyon ang Armed Forces of the Philippines kaugnay sa planong panibagong suicide bombing sa Mindanao partikular sa Sulu na umano’y couple na egyptian na may koneksyon sa Abu Sayyaf Group.

 

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagtugis sa mga responsable sa pagsabog sa Basilan at Sulu.

 

Pero wala silang nagtangap na impormasyon na ang umanoy egyptian couple na ito ay may koneksyon sa mga responsable sa mga pagsabog sa Sulu at Basilan.


 

Sa ngayon ayon kay Arevalo patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa ibang ahensya ng gobyerno, local gov’t at local residents para magkaisa at mapigilan ang mga plano pang karahasan ng mga teroristang grupo.

 

Ang impormasyong may couple na egyptian na nagpa plano ng suicide bombing sa Sulu ay mula sa isang academic analysts on terrorism.

Facebook Comments