Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya alam ang ulat tungkol sa umano’y 35.2 billion pesos na isiningit na pork barrel funds sa panukalang 4.1 trillion pesos 2020 National Budget.
Base isang source, bawat miyembro sa Kamara ay mayroong 100 million pesos at bawat senador ay mayroong 200 milyong piso para sa mga proyekto.
Ayon sa Pangulo, i-aakyat niya ang usaping ito sa muling pagpupulong ng Kongreso at executive department.
Tanong ng Pangulo, saan gagamitin ang pondo lalo na at inihahanda pa lamang ang budget.
Target ng Duterte administration na maipasa ang 2020 National Budget sa Kongreso para mabusisi ito bago o sa mismong araw ng August 21.
Noong 2013, idineklarang ilegal ng Korte Suprema ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.