Umano’y Protesta sa City of Ilagan, Isang False Alarm!

*Ilagan City, Isabela- *Kinumpirma ni Police Superintendent Rafael Pagalilauan, ang hepe ng PNP Ilagan City na walang katotohanan sa umano’y gagawing Rally kahapon sa harap mismo ng Provincial Capitol ng Isabela.

Aniya, nakatanggap rin umano sila ng impormasyon na mayroong magsasagawa ng rally sa kanilang Lungsod kaya’t agad nitong inalerto ang kanyang tropa upang magbantay sa mga lugar na posibleng pagdadausan ng mga magproprotesta.

Paliwanag pa ng hepe na bagama’t mayroong Freedom of Expression ang bawat isa ay kailangan pa rin umanong kumuha ng permit ang mga magsasagawa ng protesta sa lugar na kanilang pagdadausan ng Rally at hindi rin dapat nakakasagabal ang mga ito sa mga lansangan.


Facebook Comments