Umano’y rape and sex trafficking cases laban kay Quiboloy at KOJC, pinapa-imbestigahan ng isang kongresista sa DOJ

Hiniling ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas sa Department of Justice (DOJ) na agad imbestigahan ang umano’y mga kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy na siyang nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at may-ari ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Pangunahing tinukoy ni Brosas ang mga kaso ng sex trafficking, rape, physical abuse of women and children laban kay Quiboloy at sa kaniyang simbahan.

Dismayado si Brosas na ilang taon na ang lumipas pero wala pa ring nagiging aksyon ang pamahalaan para mapanagot si Quiboloy sa kaniyang mga krimen laban sa kababaihan at mga bata.


Bunsod nito ay nananawagan si Brosas sa gobyerno na kaagad magbigay ng legal assistance sa mga biktima at tulungan sila na makamit ang hustisya.

Bukod dito ay isinulong din ni Brosas sa House of Representatives na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Quiboloy upang matulungan ang mga biktima na makuha ang hustisya na matagal ng ipinagkakait sa kanila.

Facebook Comments