UMANO’Y RED TIDE SA BOLINAO, PANGASINAN, PINABULAANAN NG BFAR REGION 1

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 ukol sa kumakalat na impormasyong umano’y positibo sa toxic red tide ang katubigan sa bayan ng Bolinao.

Nilinaw ng ahensya na taliwas sa napapaulat na ipinagbabawal muna umano ang pag harvest, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish products na mula sa Bolinao sa katotohanang nananatili itong ligtas mula sa banta ng Harmful Algal Bloom o ang red tide toxin.

Base na rin sa pinakahuling Shellfish Bulletin No. 32 nito lamang December 19, 2024, ang coastal waters ng Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani sa lalawigan ay ligtas.

Tiniyak din ng ahensya na patuloy ang nagsasagawa ng monitoring sa water quality parameters sa mga mariculture areas sa Rehiyon Uno upang masiguro ang mga inilalabas na impormasyon ukol dito.

Samantala, hinimok ang publiko na maging mapagmatyag at maalam sa pagtukoy ng mga fake news o false information lalo na kapag galing sa social media platforms. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments