Umanoy Sex Video Ni Sen. De Lima, Hindi Na Ipapalabas Sa Kamara

38

MANILA – Kinumpirma ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre na hindi na ipapalabas sa pagdinig ng House Committee on Justice, bukas (araw ng Huwebes) ang umanoy sex video ni Sen. Leila De Lima.Ayon kay Aguirre, ang naturang video ay mula sa cellphone ni Ronnie Dayan base na rin sa pahayag ng kanilang impormant na nakapanood ng video.Inamin din ng kalihim na napanood na niya ito kung saan mayroon pa itong ikalawang video.Pero, kumambyo ito at sinabing wala silang hawak na video at bahala na ang komite na humanap ng kopya para isapubliko.Sa kabila nito, sinabi ni Aguiree na sampung bagong testigo ang kanilang ihaharap sa pagdinig bukas.Hindi lamang sigurado kung makakasama rito ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian, na nagpapagaling pa rin sa hospital.

Facebook Comments