Umano’y sexual harassment sa isang konsehal ng Maynila, dapat imbestigahan ng DILG

Kinondena ng Bagong Henerasyon (BH) Party-list ang ibinunyag ni Manila Councilor Eunice Castro na pagdanas niya ng sexual harassment sa kamay ng kapwa konsehal na si Ryan Ponce.

Bunsod nito, iginiit ni BH Party-list Rep. Robert Nazal sa Manila City Council at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang reklamo ni Castro.

Ayon kay Nazal, ang ginawa ni Ponce kay Castro ay isang nakaka-alarmang pag-abuso sa kapangyarihan at paglabag sa Safe Spaces Act.

Diin ni Nazal, walang lugar sa pamahalaan, sa politika, at saan man sa lipunan ang harassment, lalo na kung kagagawan ng mga opisyal na bastos at umaabuso sa kapangyarihan.

Ayon kay Nazal, ang ganitong mga insidente ay nagpapakita na kailangang higpitan ang implementasyon ng Safe Spaces Act at dapat palakasin din ng mga institusyon sa pamahalaan ang mekanismo sa pagrereport at pagtugon sa mga insidente ng sexual harassment.

Facebook Comments